O edi ayon na nga..... hay,
isang buwan pa lang ata ang nakakalipas, nanakawan ulit ako ng phone. masyado na yata ako nagiging mabait. Lord, grabe naman... aasa ako na super ganda ng palasyo ko someday ha. (echoz lang po)
Nakakaloka naman kasi... ayon, sa isang iglap wala na ulit ang telepono ko. Nagiging candidate na nga ako ng queen of charity and ambassador for goodwill para sa mga makakati ang kamay at autiomatic na nangunguha ng mga bagay bagay.. in short MATIK.
Ang nakakaloka pa nyan, kakagaling ko lang sa doctor nitong Sunday at kabilin bilinan na bawal akong madepress. (wag kayong magalala, hindi psychiatrist ang pinuntahan ko na doctor, basta lately grabe kasi ipekto ng stress sa kalusugan ko.) So ayon, nung narealize ko na wala na ang phone ko sa bag ko, patay malisya na lang ako at nagpray:
"Lord, tulungan nyo po akong maintindihan kung bakit kailangang pipitchuging phone ang nakawin nila at pinagdarasal ko po na sana never ako dumating sa ganoong point ng buhay ko kasi ayoko pong isumpa ako at pagtawanan dahil mababang klase ang nanakaw ko..tapos sasabihan ako ng..YOU'RE SO PATHETIC."
Pero syempre, nadepress pa rin ako ng konti in the end. alam mo yung feeling ng alam mong hindi ka tanga pero naiisahan ka.. hay...sabi nga sa bad boys...
Huuuusaaaaahh....breathe....huuuuusaaaaahh....
Pero dahil iba ako madepress, pinagaan ng boypren ni ate ang mundo ko by treating us sa Transformers 2. Too bad, lalo sumakit ulo ko dahil ang haba. Ang nakakalungkot, eh nababawan ako. umikot ang kwento sa isang matrix at ang daming effect pero ang dami ring nasayng na emosyon. Well, opinion ko lang yon, baka dulot lang ito ng aking kalungkutan pero hindi rin eh.
Pagdating naman kasi sa film, alam kong credible ako.mass comm ata toh.Pero pustahan blockbuster ng taon yan. hikhik! (AYAN, tumatawa na ko)hay, let go..let go.