Monday, October 6, 2008

(isang pending na blog after ko magresign sa dating work)
kamusta??
grabeh, namiss ko to. nakakamiss gawin to. para akong kumain nang hindi nabubusog dahil hindi ako nakapagblog ng ilang araw. Mula nung nag-alsa balutan ako, (hindi ko pa nakukuha mga gamit ko kung meron man doon sa dati kong trabaho) hindi pa ko nakakaisip ng panibagong blog. Ibig sabihin ba nito wala lang talaga akong magawa dati o talaga lang sumasabog ang mga letra sa utak ko.
Halos lahat, nagbago na... iba na kasi ang ruta ko. sakay ng jeep, tapos MRT tapos chamba kung may jeep ulit sabay sakay.
Maraming matataas na building doon. Sa sobrang dami, gusto ko silang piktyuran isa-isa para may libangan ako pero ang pinakagusto kong gawin eh yung makausap sila. Para kasi akong natrap sa mga building na pwedeng kausapin. Ganito kasi pag nag-aadjust ka palang. Ayon, awa ni Lord...nagsalita na ang mga building. Tumakbo ako. nakakatakot. naimagine mo ba? Oo nga pala, korni na ko ng konti. Tapos itinaas ko na rin yung level ng pagkaseryoso ko sa buhay para maging credible ako. Pero dahil para akong mamamatay kapag hindi nakapagsalita, unti unti---nagkabuhay na yung mga building sa Makati.
Ang hirap talaga pag bagong salta ka sa trabaho. Daming adjustments. Pero syempre, pwede ba naman akong magpatalo sa adjustment? Nagawa ko ngang puntahan dati mga rapists dala yung warrant nila tapos adjustment lang matatakot ako.
Pangalwang lipat ko pa lang to ng trabaho. Well, wala pa naman ako isang taon don sa una pero napamahal talaga ako sa mga tao don. Matagal na debate nga ang ginawa ni juyjuy at juyjuy bago siya siya nagresign doon. Para kasing naging kakambal ko ang stress habang yung mga kabatch ko, ang yayaman na sa calls.. ako, haggard at HAGGARD. yun ang best description don.
Pero kung tutuusin, wala akong dapat i-angal sa buhay dahil kahit fresh grad ako, natanggap agad ako at malaking network station pa ang napasukan ko. Pero talagang ganon ang buhay. Pagkaresign ko, tanggap naman ako sa bagong career. Tapos eto pa rin ako, tinutupad ang pangarap ko sa mundo ng media. Lumalabas na ko oncam wala lang sa itsura ko. Mukha kasi akong kinder.
Narealize ko na tao na nasa tao pa rin naman talaga kung paano nya tatanggapin ang mga pagbabago sa buhay nya. Kagaya ko. Akala ko kasi noon, puro building lang ang Makati tapos puro librarian...pero masaya naman pala kasama mga tao don. Lalo na, kung saan saan ako nakakagala ng libre dahil sa job description ko.
Wag kang matakot kausapin ang building. Hindi sila sumasagot. Pag sumagot sila, magpatingin ka na sa doktor kasi isa lamang yang bunga ng iyong sikolohikal na kapasidad.
ang blog na ito ay walang patutunguhan. babala: wag basahin


0 mga NALERKEY:
Post a Comment