Monday, October 27, 2008
dahil lagi akong busy sa work at puro work na lang ang inatupag ko sa buhay ko..
isheshare ko na lang sa inyo kung anong klaseng trabaho ba ang ginagawa ko sa buhay ko.
ako ang taong kumikita dahil sa blog entries. kung marami ditong trip lang ang ginagawa ako, kinareer ko na rin..pero masaya ako kasi natutupad ko yung gusto kong mangyari sa buhay ko.
yung gamitin ang craft ko para makatulong sa ibang tao.
nakakaimbyerna. pag ang kinokover ko eh mga socialites... bukod sa ayoko magheels, talaga naman kasing nuknukan ng plastik ng mga tao sa sosyalan, kung hindi sila mga pasosyal, yung ibang nakokover ko tamang PR lang o kaya pulitiko. alam mo yung konsepto ng "OK, whatever" kapag nagsasalita sila..pero buti na lang imbisibol ang mga call outs sa ulo ko kung hindi hay, matagal na akong nasesante.
pero nitong nakaraan lang, dahil wala akong macover na mga plastik, este mga taga-alta sasyodad, bigla na lang akong may nakitang ale na nagtitinda ng kamoteng kahoy sa maynila.
sinong mag-aakalang may nagtitinda pa noon dito?
pero ayon, dahil sadyang pakielamera ako, nilapitan ko na yung ale. doon ko nalaman na victim pala sya ng illegal recruitment noong 9yrs old palang sya. nakakalungkot nga eh.
tapos 60 na sya ngayon. imaginin mo kung gaano na sya katagal nag-iisa.
ang nakakaiyak pa nga eh noong tinanong ko sya kung ano bang mahihiling nya sa buhay, sabi nya:
gusto kong makita ang mga kapatid ko kung buhay pa sila. ayokong mamamatay dito. pag dito ako namatay, yung mga tao matutuwa lang kasi pwede sila magsugal sa burol ko.
alam nyo bang ang binebenta nya pang kamoteng kahoy eh hiram nya lang sa kapitbahay? yun ang masaklap doon. dahil isa lang naman akong hamak na reporter na kumikit ng sakto lang din sa akin, alam kong hindi ko kayang i-grant ang wish nya. kaya naman, sa sobrang pagkafrustrate ko, pinasa ko pa rin yung video sa editor ko tapos ayon...kinabukasan, dinagsa na ng mga viewers yung video entry at blog ko. doon ko narealize na may mga tao pa palang may puso sa mundo maliban sa akin at kay mother theresa. ang daming nag-ooffer ng tulong, karamihan mga pinoy na nasa abroad.
tayo tayo pa rin talga ang magtutulungan noh...
masaya ako kasi alam kong matutupad na yung wish ni aling feliza..
malapit na..intay ka lang nay, i'm working on it.
masaya ako na maraming gustong tumulong kay nanay feliza. masaya ako na sa dadating na pasko, madami siyang santa klaws.
kung may pinagpapasalamat ako sa trabaho ko, yun e dahil pede ko yung magamit sa mabuting paraan. kahit di kami mayaman, nakakatulong ako sa ibang tao. sana lahat ng tagamedia ganito..
merry christmas!hehe


7 mga NALERKEY:
yun nga nga lang talaga ng consolation prize naten kafated sa trabaho anting ito sa media. nakakagawa tayo ng mabuting bagay. buti dito tayo napunta...sa tamang sulok ng media. hehe. ;) gud luck jan sa inquirer kafated. miss yah!
amishutu ate joshy.. watch mo yung vids ko ha
pinapanood ko kaya lagi.
wow galing naman ni Marj.. napakahusay mo.. congrats nga pala at nakahulagpos kana at nasa inquirer kana. Galing galing! saludo ako sa iyo!
awts... ang galing! keep it up!
hi kuya onatsdonats!tenks
hi taympers..sino ka? salamat
Post a Comment