Saturday, November 8, 2008
Sino dito ang hindi nakaranas sumagot sa slum book noong panahon ng pagkahayskul?
Sige, sino? nakakahiya ka naman..wahahah.. (salbahe talaga ako).
Kasi naman diba, lahat naman ata nakaranas noon maliban na lang kung talagang napakasalbahe mo at wala kang tropa kaya wala kang nasagutan kahit isa o kaya hindi ka heartthrob. Minsan naman, pag ikaw may ari, pamatay mo... hindi ka muna sasagot lalo na sa mga part ng crush kasi hihintayin mong makasagot yung crush mo para kung ideny ka nya, hindi mo ilalagay ang pangalan nya..pero yung description sa kanya..walang duda naman na sya.... paraparaan eh noh. Ang lalong paraparaan dyan eh yung portion kasi na may dedication tapos may picture na 1x1.. pag crush mo yung tao, kukunin mo yung picture pero pag yun ang kaaway mo ibabalot mo sa papel na may asin tapos magfifeeling ka na marunong ka mangulam kunwari may alam kang dasal para madapa sya.. hahah! natry ko to, walang nangyari. badtrip.
Pero lahat ng binanggit ko e hindi naman talaga topic ng blog na to. Infairness magandang gawing blog yon pero hindi kasi yon ang nasa isip ko.
Well, partly na ganon.. kasi tungkol s pagiging jugdmental ng mga tao talaga ito. parang yung korni na sagaot sa slumbook na "JUDGE me NALANG" kapag pinapadescribe yung sarili. Ewan ko ba, gusto kong mamunit ng slumbook ng iba kapag nakakabasa ako ng ganong sagot.
flashback:
Name: JUYJUY
N.NAME: JUYJUY TALAGA
CRUSH: iiiiiih...secret
DESCRIBE YOURSELF: super electrifying, gorgeous and superb human being ever created in the third world. (ito ang tinatawag na angas)
ayaw ko nga sabi to pag-usapan e. punta na tayo sa point ko. yung point ko talaga ngayon eh yung high-tech na slumbook kung tawagin. yung mga profile sa myspace, facebook, friendster...
at kung ano-ano pa. Pagandahan kasi talaga ng primary piktyur ang labanan. At don mo makikilala ang mga mahilig sa superficial beauty.
Paano ko ba nasabi? Well, base sa experience... isa kasi talaga akong picture freak. Higit sa lahat, mahal na mahal ko ang sarili ko kaya muka ko ang peborit sabjek ko. Bihira ako magpicture na haggard ako. Minsan tinaymingan ako ng mga tropa kong bakla, pero dahil magaling ako, nadelete ko din kaya bigo silang mag-iwan ng ebidensya na nagkaroon ako ng haggard moment.
Pero one day, (wow, turning point!) sa myspace ko, narealize ko na andaming nagvuview sa akin at andami ring nag-aadd sa akin kasi yung picture ko na talagang pangpictorial ng isa naming play ang ginamit ko. Ay grabeh, haba ng hair ko day! Pero alam mo yung feeling na eh kung magpalit ako ng pic i-aadd mo pa ba ko? Trinay ko, ayon..postive..bumaba ang viewership ko. Nakakaloka nga e. Isa to sa dahilan kung bakit ako nalulungkot sa mga pinoy ngayon. Pag maganda yung picture mo, i-aadd ka o kaya mag-iiwan ng message:
hi, anong cel number mo? (ni hindi man lang tinanong yung real name ko oh kaya peborit kong kainin) para bang nilagay ko yung picture ko para ibenta ang sarili ko na kung tutuusin eh personal pleasure ko yun dapat kasi adik ako sa sarili ko at malala na ang stage ko sabi ng psychiatrist. hehe.. naisip ko nga, pano kung hindi yun ang tunay kong mukha tapos nakipag-eyeball ako, edi madidismaya lang sya? pathetic.
Hindi ko naman ginegeneralize lahat ng tao, kagaya dito sa blogspot. Kaya ako nag-eenjoy dito kasi hindi mo kailngan ng mukha bago basahin ang sinulat mo. Ito yung minana ko kay Bob Ong, na wag mong i-attach ang mukha sa mga sinusulat. hindi ko rin sure kung bakit pero feeling ko effective naman.
i-add nyo nalang siguro ako sa friendster o kaya facebook at maloloka kayo sa albums ko. haha.
Nakakalungkot lang din isipin na dahil sa technology, nawawala na yung culture kung saan mayaman ang mga pilipino, gaya ng panunuyo o kaya panliligaw. Wag na yung harana kasi maraming natutulog ng maaga. Pero diba, lahat minamadali na ngayon. Kaya dumadami ang populasyon eh.
Hindi ito tungkol sa pagfifeeling ko na maganda ako o ng kahit sino pero tungkol sa wag mong i-judge sa tao sa pisikal na eklat.
Sa trabaho ko, naexpose na rin ako sa maraming klase ng tao, wag tayong manjudge ng mga tao dahil lang maganda o kaya chaka o mayaman o bungi o kahit ano. Kung tutuusin, wala namang rule o standarad sa beauty ng isang tao o bagay, kaso... dahil sa mga commercial lalo na ng whitening soap, parang naset na dapat maputi ka para sabihing maganda ka o dapat ganito o ganyan. Atsaka wag nambabastos sa babae, sapakin kita jan eh.
pero ate JOSH, dahil nasabi ko na to, magpapakita na ko one of these days..
(pero may video akong nakapost dito sa blogspot...haha, yun ang ayaw magpakita!haha!)
by the way my number is... echoz garbansauce
hehehe


16 mga NALERKEY:
tama ka jan huwag mang judge ng tao..pero kaaptid ko di mo ako masisisi kung minsan nangja-judge ako lalo na kapag lalake. hahah. yung post kong mahaba basahin mo. hehe. mukhang di ka ngarag ngayon ah. nakakapagblog ka. haha.
haha. ipopost mo na ba dito ang mga inquirer videos mo kapatid? hehe! na-experience ko rin yang experience mo, kaya nga ayaw ko na ng friendster at facebook. nagblog na lang ako. pero ganun pa rin. me nanghihingi pa rin ng number ko. haha.
at dahil katulad mo ako, na mahal na mahal ang sarili, lumalabas minsan na nakaimbento ng "self-esteem" vaccine ang nanay ko noong baby pa ako. syempre yung self-esteem vaccine na yun, itinurok sa akin, kaya kung purihin ko ang sarili ko sa blog ko eh ganun na lang. takte, ang maniwala bulag, pipi at bingi. hehe. try natin magpost minsan ng haggard pic. hehe.
nako, baka kasi pag nakita ng readers ng blog ko ang mga pinaggagawa ko sa buhay mapapatunayan na talagang may split personality ako. haha..alam mong napakaseryoso ko dun.isa pa, malalaman ng boss ko na mas masipag pa ko gumawa ng blog dito kesa sa site namin..ahaha..
mabuhay ang mga nagmamahal sa sarili.
ay korek, pangpictorial tlga ang multiply site mo! i checked it dear. ;)
Wala tayong magagawa kung yun ang tingin ng iba sa iba. Kung ang tinitingnan nila eh yung pisikal, eh di pisikal. Basta ako, ako. Ikaw, ikaw! Siya, siya!
Agree ako sa post na ito!
waaah!
chyng, nabuking mo na ko hahah..
ganyan ang definition ko ng "picture picture"
mike: salamat sa pag-agree, akala ko wala na akong kakampi..haha
who are we to judge for we are just creatures living in this dying world....naks!...emo pba?? tc
dark horse... malupet ang comment mo.hahah! iyak na lang tayo
MARJ!!! kafated ko! takte, inom tayo! sige na! labas ka na jan sa lungga mo! namimiss ko uminon ng isang boteng san mig at pumapak ng sisig!sabay tayo mag-emote. bilis! haha!
hi joy... sarap magbasa ditoh... graveh naka-relate akoh... slumbook kamoh... aysowz isa akoh sa promotor nyan late elementary and early high school days... ang purpose koh tlgah... mapasulat ang crush koh...haha.... yeah kapag may dedication kahit isulat lang daw bah ang name koh... ay graveh sa sobrang tuwa at galak na akoh...haha... tapos dagdagan pa nang thank you... 'la nah... malolocah na tlgah...hehe... oh yeah totoo 'un... 'ung iba sinasabi...judge ma na lang.... aysowz... hehe... tapos pupunuin pa minsan nang puro sikret ang slumbook... sarap batukan... hwag na lang sana sumagot... hehe...
hmmmm.... based on ur post... maganda ka sa outside in real life... and based on ur blogspot ur also maganda sa inside... naks...
pero true... kakatuwa d2... parang pantay pantay lang lahat...and doesn't really matter saang mundo ka galing... kahit ano ka pa... makikibasa at makikipag-blog silah sau... at mas nakikilala ka pa nga nilang mabuti kc nababasa nilah kung ano ka tlgah at mga inner thoughts moh... yeah somethin' like dat...'la na nde na nag-make sense atah... hehe... nag-blangko na yutakz koh... antokz na kc eh...
sige.. dme pa sana akong hihirit... pero hwag nah magmala-essay comment na naman akoh...
ingatz kah! and GODBLESS! -di
dhianz,
suki..haha, dahil jan mag-inom ko pagbalik ko galing bohol. haha!gagala na naman ako..yehey!
feeling ko, iblog entry mo minsan ang comment mo tapos ang title ay "comment for juyjuy" haha..anlupet!
peace out!
yeah suki akoh ni josha kaya suki moh ren akoh...hehe... abah pa-bohol bohol ka na lang ha... hehe... sige enjoy ka dyan...
pag blinog koh 'ung mga komento koh sau... add koh pa c josha... abah puwede na tlgang pang-research paper... haha...
ingatz kah... oist nakisilip daw bah akoh sa multiply moh..hehe.. abah i was right ngah... ur beautiful inside out... naks... pero akala moh kaw lang... akoh den..haha.... c josha na ren =)
GODBLESS! -di
thanks sa link!
na-add na din kita sa blog roll ko! (--,)
ms. beautiful inside out na si joy... good morning po... abah andito na naman akoh?...hehe.. 'la ka kcng cbox eh... sige.. u have a nice day k... GODBLESS! -di
hindi kasi ako marunong ng cbox dhianz.. papaturo ako ke ate josh.
salamat sa "ms.beautiful" masarap sya sa pakiramdam. buti may wi-fi dito bohol
good morning! =) etoh c box koh sau...hehe...
Post a Comment