nanganak na ko

Monday, November 24, 2008

Ngayon alam ko na ang feeling ng isang ina.. haha! after ng ilang dekadang paghihintay, sa wakas naipanganak ko na rin ang bago kong baby... medyo hindi ko nga lang kamukha, pero buong puso.. pawis, nosebleed at ilang damit din sa greenhills ang pikit mata kong tinalikuran para lang maging safe ang panganganak ko.. hay..

Grabe, mula noong nakagraduate ako ng April 2008, sinabi ko na sa sarili ko na mag-aanak na agad ako at walang makakapigil sa akin kahit nanay ko. Eto, nagbunga na rin sa wakas ang sarili
ng laman at dugo ko, may sofa "madrid set" (antaray) na ko.

Wag nyo na lang siya i-compare sa akin kasi hindi naman ako ganyan kaitim. Natatandaan ko pa bago ko tuluyang ibayad ang cash na hawak ko na nagtagal lang sa kamay ko ng limang oras...
Ayoko pa sanang bitawan, pero dahil mas mahalaga nga ang anak sa kahit ano pa.. eto na sya.. ang baby ko at tatawagin ko syang "Obama" dahil gusto ko lang. (kung kokontra ka, bumili ka ng iyo tapos pangalanan mo din, ehehe)


Bago pa nadeliver yan sa amin, nadelay pa ng ilang araw. Naiisip ko nga, baka nagoyo ako ng binilhan ko kasi nagbayad na ko ng buo. Pero awa ni Lord, andito na siya sa bahay at ineenjoy ng kapatid ko.


Iwelcome nyo naman ang anak kong si Obama sa blogspot. gagawa din sya ng account later on. Minadali ko ngang bilhin to kasi akala ko dadating na halfy ko, nadelay naman. Anyway, palakpakan para kay Obama ko..yehey! Isa na akong ganap na ina.


Sana sa isang buwan mabilhan ko na siya ng kapatid, si bed of roses or dining set kaso kailangan kong magtago sa mga inaanak ko para mangyari yon.


P.S. bawal umupo ha.. tingin lang para sa mga bisita, marami ako monoblock..hehe
Am so happy! :)

8 mga NALERKEY:

Fjordan Allego said...

wow! may naipundar ka na! congrats!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

darkhorse said...

wow! congrats sa anak mo...lol

Chyng said...

Good girl! Next time kama naman! (--,)

overjoyed21 said...

chyng:
hehe..o nga eh.. pinag-isipan ko nga talaga kung kama o sofa eh nakyutan ako kaya yan..charaaaaan!

Fjordan and darkhorse:
charaaaaaan din!
ninong kayo

JoShMaRie said...

takte! magkapatid nga tayo. hahahah. :) pareho tayong may bagong baby. :)

darkhorse said...

nice sofa n loveseat, leather ata yan ha...sosyal! tc

RonTuron said...

wowowowow! buti ka pa may naipundar!!! lolz! andami dami mo palang pera... pautang naman! lolzxoxolmaowtfbtwlolz!!!!

hahahaha!!!

welcome obama!

overjoyed21 said...

Ronturon: infairness, ikaw pa lang ang literal na nagwelcome sa anak ko..pero wala na ko papautang kasi napunta na sa kanya.

dark horse: leather nga, welcome aboard

 
Design by: Searchopedia convertido para o Blogger por TNB