Ito ang natutunan ko sa sermon ng pare sa huling misa para sa tito ko bago siya tuluyang ihatid sa kanya puntod. Nakakaiyak pag namamatayan ka lalo't malapit sa puso mo ang taong nawala. Mismmong si father ay hindi kinaya nung nanay nya na ang namatay kahit na halos nasa hundreds na ang namisahan nya. Parang lovelife lang yan na kapag nakipagbreak, kahit pang 67th relationship mo na... masakit at masakit pa rin talaga.
Sabi niya, may tatlong bagay daw sa mundo na pagdadaanan at pagdadaanan ng tao kahit sabuhin nya pang siya ang lihim na kapatid ni Superman. Ito yong Sickness, aging at death.
Sickness: lahat ng tae este tao nagkakasakit. Wag mong sabihing hindi, babanatan kita! Lahat tayo may dinadamdam paminsan minsan yung iba nga sakit sakitan lang. Noong elementary pa ko, sickness ang peborit kong excuse pag may mga sayaw sayaw kuno na number daw sa school...ay pramis, umaabsent talaga ako. Si mama pa nga gumagawa ng excuse letter ko. Bata pa lang talaga ako artista na ko pero pag naman mga sayawan lang..ayaw ko talaga sa mga ganon, pero alam mo bang ako ang model ng chicken polka dance tuwing umaga sa flag ceremony namin. Sikat ka dati pag ganon, pero mas gusto ko pa rin na ako ang kukumpas ng bayang magiliw...kung di ka makabayan, iisipin mong walang mali sa sinabi ko pero dahil nag-iisip ka pa lang sasabihin ko na, LUPANG HINIRANG yon..eng eng ka. Anyway, edi ayun na nga... kahit pa nuknukan ng immunity ang system ng isang tao, magbebreakdown a rin yan. In short, wag mo na ipagpilitan na perfect ka. Tao ka lang.
AGING:
Ito, medyo hindi ito siguro kalevel ng sickness.. maniniwala ako kung nasa panahon tayo nila Abraham na pipitchgin ka pag 90 years old ka lang, dapat tipong mga 568 years old ka..yun ang labanan ng edad dati. ngayon, matuwa na tayo pag naka-70 yung mga lolo at lola natin. Sabi nga ni father, the food that we eat are suppose to prolong our life. pero dahil nga laganap ang instant noodles gaya ng pancit canton na peborit ko talaga, tapos uso din ngayon yung melanin sa china... yung mga pagkain na dapat pampahaba ng buhay natin, sila na bahala magkalkula kung kelan nila trip umatake sa atin. Hindi nga siguro lahat dumadaan sa stage na ito. Marami sa panahon ngayon ang hindi na umaabot sa finish line, minsan sinasadya din nila. Ito yung mga madadaya, mga walang ginawa kung hindi intaying mangisay katawan nila sa lubid tapos pag nagbago isip pipiliting makahinga sa pagkakabigti, well.. sabi nga sa kanta, it is too late to apologize.
Habang nakikinig ako kay father, naiisip ko yung librong binasa ko, Tuesdays with Morrie. Memeya ko na sya isisingit. natatamad pa ko.
DEATH:
Ayan, isisingit ko na si Morrie, ang taong nakatulong sa akin na magrelease ng galit na kinikimkim ko lang. Kung may naamoy kayo, iyon na yon. Napapansin ko nagiging korni na ko pero OK lang. Wala naman akong planong magpatawa habang buhay. PAg binasa mo yung libro nya, matutunan mong magreflect sa buhay mo at isipin na huling araw mo na sa mundo. Eksaktong sinabi ni father. Kung nabasa man nya yung libro o hindi, (wala na ko pake doon) pero sabi nilang dalawa, "you'll only learn how to live life when you learn how to die". Totoo naman. marami sa atin ang hindi pa rin talaga maappreciate ang buhay kahit na kung tutuusin napakaswerte na nila na sila ang pinalilimusan at hindi nanlilimos. Sila ang inuutangan, (ako, ay wag mo itry...haha). Ewan ko ba, mula noong nabasa ko yung librong yon, hindi na ako nagwoworry sa mga darating na araw. palagi ko pa nga sinusulit ang bawat araw. Nag a-iloveyou ko ngayon sa mama ko ng mas madalas pati sa mga kapatid ko at syempre sa aking halfy. Mahalaga sa akin na alam ng mga mahal ko na mahal ko sila. Yon lang naman ang talagang makakapagpatahimik sa iyo. My mga tao akong nasaktan at may mga taong nakasakit sa akin. Napatawad ko naman na sila dati pa pero case to case basis pa rin. ako kasi yung taong lumaki sa reward and punishment. Hindi ko alam kung kanino ko natutunan kasi hindi naman ganito si Mama, baka inimbento ko lang. Pero naniniwala ako na mahalagang pagsisihan ng taong nanakit sa iyo ang ginawa niya at marunong din akong magtayo ng pader sa mga taong makapal talaga ang mukha. May isang taong nakapanakit sa akin, sa totoo lang napatawad ko na sya pero may mga boundaries tayong tinatawag. Hinid naman kasi porket napatawd mo na siya, okay na lahat. Nakalimutan mo na.. hindi kasi talga ako madaling makalimot maliban na lang kung ako yung may utang o kaya sa sked ko.. eto yun eh, sinaktan mo ko diba? isn't it too much to ask kung idemand mo pa sa akin a kausapin kita? basta dyan ka lang. Wag kang lalapit, we're OK. Wala naman kasi talaga akong dahilan para kausapin ang nilalang na yon.
Mabalik tayo sa death, marami sa atin ang takot dito. MASAKIT kasi kahit anong ikot pa ng mundo ang gawin natin. Noong ililibing na ang tito ko, masaya ako para sa kanya, nakakainggit nga sya kasi mission accomplished na sya kung baga. Pero ako, hindi pa rin ako sigurado sa itatagal ng buhay ko. Kung magkakapamilya rin ba ko pagdating ng araw. Pero ang mahirap isipin doon, pano mo sila iiwan? Matigas ang puso ko sabi ng ate ko kasi kasi hindi daw ako umiiyak pag hinahatid ko sya sa airport. Malalim na analysis yon. Pero sa tuwing may inililibing, naiiyak ako deep inside para sa mga taong iniwan. Sila kasi yung haharap sa mga pinagkautangan t gastusin.. (joke lang). seryoso na... sila yung haharap sa bawat araw na pipiliting makasurvive kada-araw na wala ka na. Noong tinitingnan ko si Tita, naisip ko, nasanaay ka buong buhay mo na katuwang mo ang taong to tapos sa isang iglap, solo mo nang haharapin ang bawat araw..tatanda kang mag-isa. Naisip ko nga rin si mama, buti kasi si tita graduate na lahat ng anak nung namatay si tito, imaginin mo mama ko, 5 maliliit pa na anak..mga papaarali pa..bubuhayin nya mag-isa. Sabi nga rin ni mama, kahit pala daw anong dami ng anak mo, pag nagsilakihan na at nagsipamilya na, ganun pa rin... mag-isa ka pa rin.. ganoon kahalaga ang asawa sa buhay ng isang tao. Ito nga siguro yung dahilan ko kung bakit ayoko sanang mag-asawa dati. Ayokong iwan ako o ako ang mang-iwan ng walang kalaban laban sa FATE natin. Pero dahil tao lang ako, marunong magpalit ng isip.. gusto ko pa rin mkatagpo ng taong masasabi kong makakasama ko sa pagtanda at sasabihan pa rin ako ng "maganda ako" kahit wala na syang makita at natagpuan ko na sya infairness.. mga 7 years pa siguro bago ang mga I do's.. hay, kakamiss naman.
O sige na, tutulog na ko.
Basta tandaan mo, tao ka lang. Lahat yan mararanasan mo kaya sana, make your stay on earth worthwhile. Wag mong ubusin ang oras mo kakasilip sa buhay ng ibang tao. Wag kang mapuno ng inggit t i-appreciate mo ang buhay. Muah muah