Thursday, January 15, 2009
Iba ang saya ng mga pinoy pagdating sa kantahan lalo pag videoke na yung labanan.
May kilala ako memorize na lahat ng numbers sa playlist at ang malupet, laging 100%. In fairness naman kasi, fulfilling talaga kapag nagkakascore ka ng ganoon lalo kung college student ka at may basic statistics ka na subject. Masaya na ako sa 2 nung stat ko.. ayoko talaga ng numbers eh.
Pero noong isang gabi, nabigyan ako ng chance na magkaroon ulit ng fulfillment sa buhay sa isang party event. Yung videoke kasi, parte na talaga ng buhay ko, ikaw ba naman may magic sing sa bahay eh. Kaya naman ang saya ko nung may open jam ng band dun sa event.
Ayon, dahil sabi ng boss ko at dahil hindi rin naman ako kailangan pang pwersahin, derecho na ko sa stage, kaso dahil may generation gap ako at yung banda, ako na lang ang tumugtog ng kanta ko.
Masarap yung feeling, antagal ko na kasi tinalikuran ang pag-gigitara pero eto, napatugtog ulit ako. Pero mahirap tumugtog at kumanta ng sabay kaya wag nyo i-judge sila ate avril lavigne, kitchie at barbie kung nahihirapan sila kumanta minsan..OO CLOSE KAMI!
haha!
anyway, pag may time kayo, eto yung video:
http://www.youtube.com/watch?v=TBGaiAn6z5A


12 mga NALERKEY:
you need to be next to me? eheheheh.. ui nice voice ha! pinanood ko yung concert version at studio version mo.. yung nakaupo ka sa isang room.. hehe.. mahilig ka sa pag-guitar diba? bisitahin mo site ko minsan.. may mga videos ako ng guitar idols ko dun.. 2008 archive.. tenx! more power sa pagkanta!
im now following ur blog na pla.. hehe!
thanks punky!
bakla... ano ba ito... nahihilo ako. nabitin yata kagabi. hehe.
wala lang, makikidaan lang.. hindi pa po ako nagbasa.. as in nakidaan lang :)
ang lupit!
astig.. nikki hil na gumigitara?
pwede!?
pwedeeeeee!!!
palakpakan!!!
Ms. Donna,
ang lupet.. naappreciate ko ang pagdaan mo..haha..
daan ka ulit minsan and ur always welcome
Kosa:
dahil tinawag mo akong nikki gil, nagpagupit ako. hehe.. Magagalit si angel locsin pag nalink ako sa iba..
palakpakan!
wowoweee! I mean hindi yun dancers ha....lol galing naman! talented! hirap noon kanta at tugtug ng guitar...mukhang sany ka sa media eh at malakas ang PR mo - naks! more! more song! hindi praktis...lol (ano title ng song?)
pero ba't ganun parang nene (teenager) ka kapag may guitara o tlagang malaki yun guitarang gamit mo?...observation k lng namn :)
i checked the link pero ayaw magplay T_T...
but i'm impressed nonetheless :) i used to play the guitar ages ago...natigil kasi kaya ngayon nanigas na yung mga daliri ko..hehe!
videoke tayo! :)
dark horse:
natatandaan mo pa ba ang motto natin?
di tayo judgmental kaya wag natin i-judge yung gitara kung malaki talaga siya.pero oo, malaki yung gitara at muka talaga akong teenager.
tanong mo ke ronturon at josh.
Lucas:
anglupet dahil di mo pa napanood, naimpress ka na. halaka, i-play mo yun..may sumpa kapag hindi nagplay.
hehe..tagal ko na rin hindi nag-gigitara kaya wala na ko alam sa power chords
speaking of rockstar, eto ang mga tunay na rockers Eraserheads confirms new concert in March.
Watch this video:
http://www.inquirer.net/vdo/player.php?vid=2185
optimist! positive lahat ng response - dba compliments kpag sinabing mukha kang bata?....tc
Post a Comment