Sunday, April 5, 2009
Isang out of town na naman ang sinabak ko nitong weekend.
Gumising ako ng maaga para sa aking napakaagang flight papuntang Camarines Norte for 2nd Bagasbas Surfing festival. Pagdating sa airport, eng....pila sa check in:
(eksena)
Air Phil officer: (hinarap ang sangkaterbang pasahero para sabihing.....)
I''m sorry po ma'am, sir we cannot accomodate all of you. Bukas na lang po ang flight
flight nyo pero i-try po namin na ihanap kayo ng flight mamaya papuntang Legaspi.
mga pasahero: (NAGPUPUYOS sa GALIT)
WHAAAAAAAT?! you can't do that to us!!! may mga appointment kami!!
GANDA:(ako yun) Bakit nagkaganon?May coverage kami, hindi kami lalamyerda lang don.
AP officer: nagover booking po kasi
GANDA: oh so, ganon nalang yon? Gawan nyo ng paraan, hindi yung sasabihin nyo na wala kayong magagawa para sa amin dahil hindi namin kasalanan yon. sana hidi na kayo tumanggap ng booking diba?
ISA pang PASAHERO: (mukhang mayaman) Sino bang pinakamataas nyo dito? I want to talk to him
AP officer:as of now po, im in charge------------
ISA pang PASAHERO: Well, Im telling you, get us a flight right now!! (ANG taray, bonggang bongga)
sabay walk out muna si Kuya at bumalik para sabihing wala na talagang flight, in return-- kami ay magkakamit ng free accomodation sa Trader's Hotel at makakatanggap ng 3000.00 kung susuko na kami para bukas na lang umalis. Pero dahil nasa kalagitnaan pa kami ng tensyon, nagmatigas kami. AYAW talaga namin. Ano naman kasing mapapala namin sa hotel at sa 3000?
oooopss...
narinig mo na ba ang salitang petix o chillax??
kung tatanggapin namin ang flight papuntang legaspi, 1 hr na byahe sa eroplano plus mga apat na hrs papuntang Bagasbas, so all in all mga 5 hours ang byahe kung nagkataon. In short, wala na rin kaming aabutan sa araw na yun at gabi na kami dadating, halos walang pinagkaiba kung bukas nalang kami alis, hindi kami mapapagod sa byahe, magchichillax sa hotel at may 3000 pesos. HINDI na masama diba?
wala rin pati syang ipinagkaiba kung nag-bus na lang kami ng pitong oras.
after isa't kalahating oras ng pagninilay, at walang kamatayang pagsasabi sa sarili ng *husah.. husah*... at dahil sinabi na rin ng organizer ng event dun sa CAMNORTE na wag yung Legaspi, ayon.. tinanggap na namin ang kanilang offer.
wala namang masama don sa hotel, libre pa nga meal namin. Pero kung iisipin, parang sanay na ang air phil na maka encounter ng ganon.
pero paano kung hindi two-day event yung pupuntahan ko? Edi yari ako diba? Para kasi sa mga taong kagaya namin, mahalaga ang bawat oras-- pero kahit pano natutunan ko chumillax at humiga sa kama buong araw.
Pero ganon pa rin, abala pa rin sya, baliktarin mo man ang mundo.
Kaya sana, lahat ng mga kumpanya, magkaroon din ng free accomodation at cash price para masarap bumyahe. tapos magpabook kayo one day ahead para pag nacancel, wala parin kayo mamimiss. ahahaha!
JOKE lang.
kahit pa merong pampalubag loob o wala, dapat lagi pa rin nating sinisiguro na nagagawa natin ng tama ang ating serbisyo. Isipin mo, kung smooth ang operations nila, hindi na nila kailangan mag-iisip pa ng mga partnership sa hotel para pakalmahin ang mga pasahero, isa pa, kung matter of life and death yung pag punta mo sa isang lugar, kaya ba yong palitan ng hotel accomodation?
hindi naman diba?
MAGTULUNGAN tayo! BANGON everyJUAN


6 mga NALERKEY:
that's so true. mas mdalas madelay ang flight ng PAL kesa sa CebuPac.
Sa cebupac, once ma-move yung flight, you'll get accomodation PLUS 1 voucher whick you can use within a year! bongga! :D
wow ganun pala yun pa-book ng maaga lalo na sa Pinas...tsk! sarap naman ng buhay mo Juy papetiks-petiks at byahe-byahe lng may cash pang kasama!...lol tc
chyng, infairness naman sa PAL, hindi delayed : CANCELED haha..
pero just the same, abala talaga
dark horse, wag kang judgmental.haha! kung alam mo lang kung gano karaming salonpas ang meron sa likod ko ngayon dahil sa surfing lessons, maaawa ka sa akin.
pero yes, enjoy!
yun pala ang catch dun free accomodation at 3000 pesos, not bad.
bili ka nlng ng private jet! hehehe
punky,
bukas na ko bibili ng private jet. gabi na
pensucks,
hello!
oo ganon yun kaya magpabook ka ahead of time para madelay man, hindi ka nawalan..haha
Post a Comment