HEART ATTACK part 2

Tuesday, April 14, 2009

How do you define mixed emotions?

a.) Parang halo-halo na may leche flan sa gitna pero mas marami pa yung yelo kesa sa sahog,

b.) mga tirang pagkain tapos lalagyan mo ng garnishing (toyo) para maging attractive pag kinain ng pet dog mo sa sirang planggana?

Siguro, yung B nalang..bakit?? kasi kahit gano kasalimuot ang mga pinaghalo halong tira tira, sa huli busog ka pa rin naman. Yun eh kung aso ka. (Pustahan ayaw mo ng halo-halo kung aso ka.) Pero eto, seryoso na, ganon talaga ang feeling eh.


Paano ka ba kasi magrereact sa Ex mo kapag nakipag-usap sya sayo para sabihing magiging Masaya sya kung sa kaibigan ka nya mapupunta? Ang malala, bigla pa kayong may feelings pa pala sa isa’t isa. Pero parehas na kaming taken. (di nya lang alam ako din)


Pero, total wala naman syang blogspot, kwento ko na lang. Sya ang taong ginusto kong makatuluyan balang araw nung mga panahong kami pa. Ok naman kasi kami. Friends before lovers, parehas stick to one… pero parang isang araw, bigla ko na lang syang di maramdaman. Siguro dahil grabe ako kapag inlove, lahat kaya ko suungin kaya nag-expect din ako ng sobra sobra. (DISCLAIMER: if you want to know more about our love story, hanapin nyo yung HEART attack ko.)


SABI nga, Friends can be LOVERS, but lovers cannot be Friends.

Pero nangyayari naman sa mga 3 out of 10 ayon sa survey ng pizza hut.

Kahit wala na kami, he still asked my permission if he can love somebody else. It broke my heart. Pero dahil nadala na ako ng emosyon ko at pinilit kong maging matapang, sabi ko:


GANDA: Ano ka ba? Ok lang yun, tagal na rin nating wala. Karapatan mo yun. I'm happy for you. Wag mo kong isipin, may mahal na rin naman akong iba.

(nanalo ako ng most martyr award dahil dito)


After a year,, dahil may common circle of friends kami.. nagkainuman, ganyan ganyan..syempre ako ilang ng konti. Pero ayon, nag-usap din kami sa huli para makaarte na kami ng normal.


EX: Bakit mo sinabing ok lang maging kami kung mahal mo pa pala ako?


GANDA: Syempre napakapanget naman kung sasabihin ko na, ---- wag kasi mahal pa kita, ibreak mo sya kasi dapat tayo.


EX: Hindi pa kami nong panahong yon, tinatanong lang kita.


(ISANG MALAKING TEDEEEEEW!!!)


Nakakatawa lang noh, ang tagal ng dead air bago pa kami ulit nag-usap. For a minute, I felt I have betrayed my loved ones trust dahil nakaramdam ako ng panghihinayang na sana pala kami pa rin hanggang ngayon at mali yon, dahil kahit sya may girlfriend na.


Pero atleast this time, nalaman na rin namin at in fairness, we both found love in somebody else’s na nga lang. And I realized that I haven’t really moved on til that day. Parang biglang buuuuugsh! IT’S TIME.

We exchanged SORRYs and forgave each other.After all, we cant bring back the time anymore and there are things that we're out of control. It’s not gonna be easy pero hopefully, we can bring back the way we used to be : FRIENDS.

9 mga NALERKEY:

Chyng said...

May I start with EEWWW?!

Nakakatawa yung mga all of a sudden biglang binabalikan ang nakaraan? haha

Pabayaan mo lang, lilipas din pangungulit nun. Di siya gnaun kasaya sa current nya. chos!

juyjuy said...

ahaha!
chyng, huminahon ka. :)
infairness naman he's a good person pero we all have to move on.
masaya naman ako ngayon sa aking tunay na labs.
haha!
cheers!

darkhorse said...

wow! more story!

darkhorse said...

soweee nalito ako yun storya pla nasa taas ng teedeew!...lol

so my opinion - "dpa huli!!!!" malamang kayo prin in the long run...ayus yun ganun ah...ako kc kpag naki-pag break wlang frens frens sa kin...lol sabay ganun eh!...never mind...tc

juyjuy said...

dark horse, jan tayo magkakasundo

darkhorse said...

tagay! juy! hiwalay kung hiwalay!....lol BH kba?...lol juK!

juyjuy said...

anong ibig sabihin ng BH??dark horse??

darkhorse said...

BH = broken hearted dba? tsk sa blogsphere ko nga natutunan yan mga short cut na yan eh...lol tc

juyjuy said...

anak ng, Broken Hearted lang pala ampotek..haha..hindi ako BH dark horse.
nakakaloka ka

 
Design by: Searchopedia convertido para o Blogger por TNB