Ano bang tinatakbuhan mo?

Wednesday, May 27, 2009

Dahil gusto nang panindigan ang pagiging game show host sa blogspot sa dami ng options na binibigay ko sa mga post ko, syempre as usual ito ang choices:

ano na bang tinatakbuhan mo?
PANUTO/DIRECTION: (pitikin ang ilong ng 20 beses kung A; sumigaw ng So much for HAYDEN Scandals sa kalagitnaan ng misa hanggang sa pagalitan ka ng pari kung B; o lumunok ng isang buong langka with matching balat kung titik C)

__A) Asawa/girlfriend/BF kasi niloko mo either my kabit ka na ayaw mong pahuli or "kot in da ak" ka, nagkataong magaling sa martial arts ang number one mo.

__B) Bumbay/paybsiks/kaibigan na pinagkakautangan (magbayad ka oi, hirap buhay ngayon)

__C)Aso, boss mo, problemang di malutas lutas, (gaya ng pagkuha ng secret video tapos magsosorry sorry ka ngayon)


Ayoko naman talagang magmention ng kahit ano sana about video scandals kaso kahit san ako magpunta eh ewan ko ba, bakit tumitigil ang mundo ng ibang tao sa kanila na kung tutuusin, dapat nga ang nasisilip eh bakit ngayon lang ipinupush ang batas para maprotektahan ang mga kababaihan laban sa mga bidyo na ganyan compare sa batas na gusto nilang gawing filipino si freddie roach dahil laging nanalo si Manny Pacquiao.

Sabi nga ni Morrie Schwartz:
"You have to be strong enough to say that if the culture doesn't work, don't buy it". Ano bang unang reaction mo nung nagkaron ng erruption ang kat-kho video? Syempre gusto mo makita at maibluetooth, hindi ka kasi in. Sa media naman, pag wala kang news don, olats. Buti nalang nasa sports ako. Mahirap hindi bilihin ang mga gantong bagay.

Alam nyo bang sa kasagsagan nong mga chismis don, nag-aupload lang ako ng mga manlalaro sa pilipinas na hindi binigyang pansin ng karamihan.

Yung mga taong gumagawa ng matino sa buhay nila at sa bansa, yung mga taong tumatakbo bilang manlalaro hindi yung tumatakbo kasi may kaso o may kung anong perversion na ginawa o nangurakot o ewan.

Pero dahil pagod ako ngayon dahil hinabol pa kami ng baka para lang sa mga video na may sense, sana mapanood nyo naman sila.

ito yung The North Face 100K challenge (Ultramarathon)
suportahan natin ang mga manlalarong pinoy




ito si tatang, 72 yrs old na, tumatakbo pa rin.



PS: Gusto ko tumakbo sa Ultra arena tuwing hapon, 40 php lang, sino gusto sumama?exercise tayo.

Senxa na, wala ako sa hulog. pakiintindi nalang ang post ko

11 mga NALERKEY:

The Pope said...

Malupit ang direction sa pagpili ng sagot sa multiple choice question mo hahahaha... sige na you are I'll vote for you as the no. 1 Game Show Host ng Blogspot kung magkakaruon ng nomination.

I used to be a PATAFA member and long distance runner before (42K), pero I have not tried 100K ultra marathon, but I am sure it is fulfilling.

Thank you for sharing this post and i appreciate your support to Pinoy runners.

Life is Beautiful.

juyjuy said...

thanks pope.
o nga, bilib talaga ako sa mga goal driven na tao at karamihan don eh runners. naloka din ako sa 100k.nilagnat ata ako nung kinover ko yun, nakakapagod at inulan pa sila pero tuloy pa rin

HARI NG SABLAY said...

none of the above,meron bng ganun?hehe tamad kasi ako tumakbo, matutulog na lang ako... nytnyt... zzzZZZzzz....

juyjuy said...

hari,
ay grabe..ikaw ang pinakasupportive so far.kaloka ka!

Anonymous said...

nice video. yun lang. =}

Nortehanon said...

Tumatakbo rin ako ako dati. Pero for fun lang saka exercise. Not really for competition.

Salamat po sa pagdaan sa blog ko at sa pagsuporta sa Pens of Hope.

Pasensya na ngayon ko lang nakita ang comment ko. I've had spams problems lately. I had to sift through so many comments. Yung comment mo nakasama sa mga spams.

maraming, maraming salamat uli.
Gob bless!

Chyng said...

Twing kelan yan? Saturdays?

juyjuy said...

nortehanon,
malayo ang mararating ng adcovacy mo! go go go!

anonymous,
kelangan ko na naman isipin kung ikaw yung suki ko. pero salamat sa pagnood.

chyng,
kelan ka pwede?go lang pag saturdays :)

Anonymous said...

@ juyjuy

yes ako yun. simple lang statements ko. less talk, less damage, ika nga. hahaha.

-richard

Axel said...

Hirap atang sagutan nung question...

Next question please... lolz

juyjuy said...

hi axel,
naligaw ka ah..
sige pag petix ako gagawa ako new set of question

anonymous na suki,
bibigyan kita ng isang matinding ISMAYL :)

 
Design by: Searchopedia convertido para o Blogger por TNB