Inlove with Pacman

Monday, May 11, 2009

Syempre gusto kong umpisahan ang blog ko sa picture ko. BAKIT? dahil spot ko naman to. JUSTIFIED na justified diba? Pero isang matinong sagot... bukod sa may karapatan ako eh involve naman talaga ako sa kwento ko.

Bilang isang career [midwoman/midgirl/boy] na media practitioner [evil laughs], sumama ako sa motorcade ni Manny kahapon.

TRIVIA: Si pacman lang ang nang gigising sa akin ng maaga.

Edi ayun na nga, from DENR sinundan namin ang motorcade. naloka lang kami kasi wala na palang babaaan hanggang Malacanan. Ayun, libre sunburn kami at SUNSHINE scent pag-uwi sa office.

Pero grabe! Ang saya at ang sarap ng feeling. Normal lang naman kasi na maoverwhelmed ka pag nakakita ka ng sikat. Pero mas gusto ko yung feeling na nakakita ako ng isang malupet na UNITY nang dahil sa isang sikat.

Kung nasa katulad na field kita, pwede mo kasi madistinguish ang genuine at sincere sa hindi. Nakakatuwa kasi nakita ko yung mga tao kung paano lumabas sa sasakyan mapamayaman o mahirap parang may prepared na confetti sa pagdaan nya. First time ko ata nakakita ng madre na nagcheer sa labas ng kumbento na nadaanan namin pati mga taga bangko at mercury drug.

kahit mga photogs na kasama namin sa truck sabi : ang saya noh, galing!

Bukod don eh ang kyut pa ng porma ni Manny. Bilib ako sa aura nya. Naisip ko nga, hindi ako pwedeng maging sikat dahil ayokong kumaway mula QC to MANILA. Nakakapagod yun.

Isa pang kinatuwa ko, kasi pride ang dinala nya sa bansa kaya walang humarang sa kanya o nag-assasinate pero kung sila [fill in the blanks] yan, baka sa QC palang binato na ng lahat ng pwedeng madampot.

Personally, [wow!close?] I wish the best for him. Sana nga wag sya tumakbo next year kung dahil lang sa impluwensya ng mga taong ewan.

Sabi nga ng mga taxi driver na nakausap ko habang papunta don,
"Kung gusto nya naman kasi tumulong, magagawa nya yun kahit wala sya sa politika, magpatayo ng ospital, skul..."

Pero sige, magsaya muna tayo sa ngayon for MANNY PACQUIAO. sana lagi kang may laban para walang nag-iinom at nanghoholdap sa kanto.


P.S.

Kung may facebook kayo, paki-add naman ang fan page ng INQUIRER SPORTS. tulungan nyo ko to spread the word. Pls support us to continue delivering sports news! MINSAN LANG AKO HUMINGI ng PABOR. PLEASE! thanks

13 mga NALERKEY:

Anonymous said...

Pacman: from a nobody to a big celebrity! Magaling ang Pinoy!

By the way, nice pic and Nice shades!

-richard (dahil sa ayaw ko ma't sa gusto, eto ang binigay na pangalan ng ermats ko.. haha!)

HARI NG SABLAY said...

si pacquiao nagyon parang RnB singer,hahaha hanep sa porma, gumagwapo...

juyjuy said...

Anonymous,

i like the shades too and it likes me. haha

Hari ng sablay,
naloka din ako sa porma nya. tweetums

darkhorse said...

maganda sa kin yun unang pic mo!...lol kc natural yun smile...lol sandali regarding pacman pla tong post mo - go pacman!..lol tc!

Dhianz said...

so pretty naman ni ms. juy juy =)... saya naman nakasama moh si pacman... bah parang celebrity ka na ren... dapat kumaway kaway ka ren.... wehe... well hmmm... not a big fan of him pero syempre proud akoh sa karangalan na naibigay nyah sa bansa at sa lahat nang pinoy all over d' world... agree akoh kay manong na taxi driver bah 'un... true nde naman nya kelangan maging parte nang politika para makatulong... yeah he can build some foundation... pacquiao para sa mahirap foundation... oh devah nag-sound like erap lang... lolz... yeah he can do so much... he got d' power and d' money... gamitin ang blessings na meron sya galing kay God para makatulong sa mga taong kapos palad... he can do it... eniweiz yeah... nga palah... u love d' book tuesday w/ morrie?... gusto moh?... bibigay tlgah akoh noh?.. bait koh... wehe... juz lemme know... ingatz... Godbless! -di

p.s. nde koh mapanood 'ung video.. nde koh ma-play pah.. balik na lang maybe to watch it =)

juyjuy said...

dark horse,
ngayon ka lang ata nagcomment ng maganda sakin..haha!echos! dahil jan tinuturing na kitang kapatid kaya Kuya dark horse na kita.

Dhi,
pinapalaki mo ulo ko..hhihi!
pero gaya nga ng sinabi ko, hindi naman nakakatuwa yung kaway ng kaway. nakakangawit kaya OK lang na behind the scene ang mga taong tulad ko. anyways, kung di nyo mapanood video, go directly nlng sa site namin. INQUIRER.net

Bart Tolina said...

"Punta kayo sa blog ko at may libreng pagkain! barttolina.blogspot.com salamat!"

The Pope said...

He brought glory and pride to our country, he deserved great honor and recognition. Mabuhay ka Manny.

Everybody loves him, but I wonder is the same following will be there once he enter the political race for Congress.

And I agree, everybody loves your photo (the first one), and nice shades? Its RayBan colors, right?

Life is beautiful.

darkhorse said...

cge! sistah kita kaya man libre ka sa kuya mo - esaw, paa ng manok at pusit inihaw lahat at saka gusto ko ng isda at talba!...hmmm kakagutom - kailan ba sweldo natin?...lol tc

juyjuy said...

Bart-tolina,
ay naloka ako don sa promotion mo haha!pero nagpunta ako dahil mukha akong pagkain...sana magpakain ka naman in real life sa resto

pope,
oo nga, mahalin pa rin kaya sya pag tumakbo na sya?hhmm..
wag mo intindihin shades ko hindi yan rayban.hindi ako bibili ng 8 thousand worth na shades.

kuya dark horse,
yung mga isaw and all, tagal ko na rin di kumain nun, dati nagcover ako ng foodtrip.post ko dito one of these days

darkhorse said...

tsk! sarap non eh...sosyal ka no?!...lol

juyjuy said...

kuya,
nako..hindi ako susyal kahit ano kinakain ko wag lang ahas at aso.
kaya matagal na ko di nakakakain kasi pinaglalaanan ko yan ng panahon as in career ang foodtrip, yung tipong 200 ko ubos sa isaw.ganon ako katakaw..hahaah!! masarap kumain pag may kasama!

Anonymous said...

Nakakagutom ang topic ngayon dito ah. hehehe..

 
Design by: Searchopedia convertido para o Blogger por TNB