ang buhay ko

Thursday, January 29, 2009

kahit sino naman siguro dito, pag pamilya na pinag-usapan... kahit gaano ka katigas na tinapay, parang kape ang pamilya mo na kayang kaya kang mapaiyak kahit sabihin mong ang secret mo ay nasa long hair gaya ni Samson.. Para sa akin, ang family parang yung kanta "You are my sweetest downfall.." Sila yung mga taong source of strength ko pero at the same time, pwedeng gamiting alas ng kalaban para maging weak ako. Downfall not in a way na sila ang huhugot sayo pababa... pero kung i-give up mo man lahat, sila yung worth it tawagin na "sweetest downfall" diba? Well, never naman ako nilaglag ng pamilya ko. Isa pa bungalow ang bahay namin kaya wala ako lalaglagan.. echoz. Kanina lang kasi, ay bale.. mga two days ago rin pala, nagkasugat ang pamangkin ko sa hindi sinasadyang pangyayari. Eh mahal na mahal ko yun kasi fetus pa lang yun, inabangan ko na ang paglabas nya at inalagaan ko sya at sinaksiripisyo ko ang gala ko ng sembreak noong college ako para lang maalagaan ko sya at wag padapuan sa lamok. Nagpanic talaga agad ako at tinawagan ang ate ko na para bang pwede kong agawan ng award for best actress si Anne Curtis sa Baler sa pagpapanic ko. Pero ayon, nadala lang ako ng pagkakape pero maliit lang yung sugat.. yun nga lang pag nakita mo, mararamdaman mo yung sakit na dinadala ng baby namin. Kahit di sya galing sa akin, mahal na mahal ko ang batang yon. Tapos, nito lang madaling araw, habang katabi ko sya sa higaan, naramdaman ko ang init sobra ng paa nya.(PAA na yon ha!) ayon, kinaumagahan, dinala na namin sa ospital. Nagpaalam na nga ako sa boss ko na after lunch nalang ako papasok. Hindi ko na inisip kung masesesante ako kung wala ako macover, basta alam ko... family matters most. Sino bang gustong magdisagree dito? bubuhusan ng mainit na kape!!! Atchaka tingnan mo ang piktyur ng pamangkin ko, panong di mo yan mamahalin??ang kyut kyut!! Kaya minsan nadidismaya ako sa mga kayang kayang tawagin ng kung ano ano nag mga parents nila o mga kamag-anak. May kilala ko bitch ang tawag sa nanay. Kahit anong mangyari kasi, pamilya mo pa rin sila. kapag natapa ka, pagtatawanan ka kahit ng mga taong pinakaclose mo, (initial reaction lang naman) pero pag pamilya yan, initial reaction eh bibigyan ka ng kamay para makabangon ka. Lately, nawawalan na ako ng time magreflect sa mga bagay na ginagawa ko. At alam kong nakakalimot na rin akong magtext ke Papa God. Pero ayon, alam kong alam Nya kung paano ako hilain ulit. Wag nyong isiping drug addict ako ha, never ako napariwara..hehe.. minsan lang dumadating tayo sa stage na nakakalimot tayong makipagcommunicate. But i know He has the best intentions for me..for all of US. I've been through a lot of things now at lahat naman ng pinagsisikapan ko para naman sa pamilya ko at mas gusto ko pang ako nalang ang magkasakit ng kung anoano wag lang sila. Thank God, lagnat lang ang meron si Aminah namin. Thank you Lord for reminding me to be still at times of storm. Salamat din sa walang sawang pangungulit. Kakayanin ko po lahat kasi andyan Kayo at ang binigay Nyo na family ko. Pakiingatan po sila. I will be still and know You are God.

Parokya ni Moonstar

Sunday, January 25, 2009


Last Friday, nagkachance akong mapanood ang parokya ni edgar at moonstar88.

Ang saya saya ko kasi crush ko talaga si Chito kahit may Kaye Abad na siya. Sabi naman nya sa akin, someday magsisi sya na late na kami nagkakilala! echoz garbansauce! Kaya ko nga siya crush dahil alam kong mahal na mahal nya si Kaye. Nakakainggit..aww!

Anyway, parang E-heads na timeless din ang mga kanta ng parokya. Lahat ng nagdaan sa paglaki at natutong mag-inom paborito ang mga kanta nila pag inuman o kaya may jam kasi ang sarap sabayan. Buloy, Harana, Halaga, Yes yes show, Mang Jose, at ang nakakakilig na Para sayo.

naalala ko nung high school nakipagsapakan ako kasi ayaw maniwala ng mga kaklase ko na sila kumanta ng your song. Porket english di na nila nakilala boses ni chito. Eh dahil, loyalista nila ako... kahit paos si chito, alam ko kung boses nya yun. tapos ang nakakatuwa, buo pa rin sila hanggang ngayon.

Sa tagal ng panahon kong nag-aral sa piyo, ngayon lang nila dinala parokya dun. buti nalang nakapasok ako. Nakakadismaya lang kasi natitigil tugtugan nila dahil ayaw ng mga administrators na magjam ang mga students.

Naranasan mo na bang manood ng concert ng paborito mong banda ng nakaupo ka lang at palakpak lang? Imaginin mo ang sarili mong nanonood sa Eheads na once in a lifetime lang magperform ngayong taon pero bawal sumigaw at magtatalon.

ganon yung feeling nung concert ng parokya. Ang hindi nila alam, sa crowd din humuhugot ng lakas ang mga tumutugtog dahil iba ang feeling kapag kinakanta nila ang mga kanta mo.

Sabi ko nga, next time.. sila Andrea Bocelli ang i-invite nila para wala silang i-expect na talunan sa mga estudyante.

Ganon pa man, ang saya ko pa rin kasi I LOVE parokya so much. at love din nila ako... nagtext sila.

noong gabing yon, isa lamang akong hamak na fan at hindi isang reporter.

Andun din pala ang moonstar88, ang engot ko hindi ko ala na sila pala kumanta ng migraine.. dati kasi sa witch yu wee ko lang narinig yung kanta na yun. Galing din nila. narinig ko sa wakas ng live ang torete at sulat. Galeng nyo moonstar!!
mabuhay ang pinoy rock industry!!

keep rockin.

PS:
" i take one step away, and i find myself coming back to you, my one and only you"

chito, hay.... hay!!!


PAIN...huhu!

Monday, January 19, 2009

"PAIN"

by: juyjuy
Ever felt something hurting inside..something unexplainable?
Something like indescribable pain.. and the root is unknown.

Did you ever feel your heart bleeding before someone?
Ever cried like a wolf crying out for help and no one heard it?

Was there a time you feel like breaking apart..
More than how sand castle could ever shatter back to the shore?
have you ever gave your heart
but nobody wants to take it..
and worst, that someone hasn't touched it,
yet it turned fragmented.


have you ever been pushed away
by the only person you wanted to stay close?
have you ever been asked to stop loving
and it feels like asking you to stop living?
have you ever looked into someone's eyes
but that someone never look at you that way..
do you know how it feels?

it's like tearing apart.
agonizing..
aching from within.

self-contained
isolated
it's called PAIN.



Matagal ko nang naisulat tong tula na to, kaninang umaga lang.. echoz! Mga months na rin... OO, kahit bakla ako may karapatan din ako magsenti paminsan minsan. Dati kasi feeling ko ini-isnab lang ang beauty ko. ganyan ako mag-emote, nag-eenglish at sisiguraduhin kong aamuhin mo ko or else, magnonosebleed ka sa ma sasabihin ko. hehe...Pero seriously, ang pinakamalupet na pain eh yung self-contained. Yung ni walang nakakaalam na may internal bleeding ka na pala tapos makikikape na lang sila sa burol mo. (kapal noh?)

I'm actually in pain right now. But one thing's for sure, not like the pain in the poem I made. Iba yung level nito, yung tula kasi pain na dinulot sa isang unrecognized love... yung akin ngayon...hay, Grabe yung lungkot ko, sana makasama ko na ang taong mahal ko. Maligayng valentine's day, sana may pang-date kayo!!!tseh!!!! hehe..bitter.
echoz lang!

Slam like a rock star!

Thursday, January 15, 2009


Iba ang saya ng mga pinoy pagdating sa kantahan lalo pag videoke na yung labanan.
May kilala ako memorize na lahat ng numbers sa playlist at ang malupet, laging 100%. In fairness naman kasi, fulfilling talaga kapag nagkakascore ka ng ganoon lalo kung college student ka at may basic statistics ka na subject. Masaya na ako sa 2 nung stat ko.. ayoko talaga ng numbers eh.

Pero noong isang gabi, nabigyan ako ng chance na magkaroon ulit ng fulfillment sa buhay sa isang party event. Yung videoke kasi, parte na talaga ng buhay ko, ikaw ba naman may magic sing sa bahay eh. Kaya naman ang saya ko nung may open jam ng band dun sa event.

Ayon, dahil sabi ng boss ko at dahil hindi rin naman ako kailangan pang pwersahin, derecho na ko sa stage, kaso dahil may generation gap ako at yung banda, ako na lang ang tumugtog ng kanta ko.

Masarap yung feeling, antagal ko na kasi tinalikuran ang pag-gigitara pero eto, napatugtog ulit ako. Pero mahirap tumugtog at kumanta ng sabay kaya wag nyo i-judge sila ate avril lavigne, kitchie at barbie kung nahihirapan sila kumanta minsan..OO CLOSE KAMI!
haha!
anyway, pag may time kayo, eto yung video:


http://www.youtube.com/watch?v=TBGaiAn6z5A

bagong AKO, bagong taon

Monday, January 5, 2009

Dahil new year na at gaya ng isang news worthy na article..masyado nang late para gumawa pa ako ng new years resolution o magtatalon sa bahay mula sa upuan para tumangkad. (isa pa, walang kinalaman ang pagtalon ko sa genes na namana ko sa magulang ko kaya tanggap ko na "small but terrible" ako.

Eto na lang bago kong pauso sa sarili ko..magbabago na ako ng description sa sarili ko totla naman 2004 ko pa ata huling na-update yung mga profile ko sa FS, Facebook,Myspace,at multiply. Kung friends kita sa lahat ng yan, mapapansin mo na yung FS account ko, ayon, mga 4yrs nang hindi updated ang details ng buhay ko kahit lagi ko binubuksan. Pictures lang naman kasi ina-update ko. Yung FB account ko naman, pang-professional networking ko talaga. Puro mga kaopisia ko kasi andon pati mga kasama sa industry. Yung myspace ko, ayon ang for personal ko (trip ko lang) tapos yung multiply eh photo album ko.

So dahil para akong may multiple personality (pwede ko tong palusot kapag nagkakaso ako)
gagawa na lang ako ng bagong description sa sarili ko. UNIFIED kung baga. naks! Pero saka ko na ipe-paste sa mga accounts ko dito na muna


General Interest: Photography, videography, theater
Music: peborit ko ang with you ng 2008, yung ngayon..wala pa. kahit ano naman sinasakyan ko
Movies:Runaway Bride, 50 fisrt dates...tapos indie films na
Television:news, sa office lang ako nakakanood pero pag nasa bahay ako dvd series ng heroes ang pinapanood ko. NAKAKAADIK!
Books: Mitch Albom's, Bob Ong's
about me: Wala to, trip trip lang.echoz! babae ako,tao ako..yun ang mahalaga.
who i want to meet: Hindi naman tayo pwedeng mamili ng mga taong makikilala natin. Nasa atin nalang kung paano natin iwewelcome sa buhay natin ang mga dumadating ke may attitude problem o meron.(hehe) Tao lang din silang kagaya mo, tandaan mo, di lang ikaw ang anak ng Diyos. (ayun oh!)

Sa totoo lang, wala rin naman halos nabago sa self description ko. pag kasi sinabing favorite..favorite talaga yun, yung heroes mejo bago sa buhay ko kasi tapos ko na yung jumong, OC at one tree hill eh. pero bukod sa mga yon, I wanna be a better person.
the better me, not for anybody. gaya ng lagi kong motto, lagpasan ang sarili. I love you angel locsin..!!hehe

 
Design by: Searchopedia convertido para o Blogger por TNB