Monday, April 27, 2009
hay...isa pa nga... hay..
Sa tuwing nagsa-sigh ako ng ganito, isang tao lang lagi ang naiisip ko at tapos parang lumulundag ang puso ko ng beri nays. Hindi ako tibo, sigurado naman ako sa bagay na yon kahit na pinipilit ng mga tropa kong baklersh na kauri nila akong "kompyus" o nalilito in tagalog, I'm pretty sure I am not though I have nothing against lesbians naman. Patas naman ako mangjudge everyday, pero pag wiriz talaga, wiririz na ipipilit!
Anyway, ang gusto ko lang naman talaga eh, maishare ang bidyo ng Ate ko, oo ate ko sya..Si Angel Locsin. Yung tungkol sa issue na kung may possibilidad ba kong maging tibo, depende na kay ate Angel, kapag sinabi nya ngang mag-banji jumping ako ng 50 times papayag ako. Hindi ako fan ni Angel, hindi ko memorize ang billboards nya sa Guadalupe, coming from Ayala, makikita mo sa kanan sa may Guadalupe bridge ang billboard nya ng hair-free (Ang kyut kyut ng ngiti nya dun) after nun, tingin ka sa kaliwa, pagkalagpas ng billboard ni katrina halili meron sa taas F&H naman, tapos Methation, alam ko nga kabilaan yun. (Promise, never akong tumingin!) ahaha!! Gumagada ang araw ko pag nakita ko na ang linya ng billboards nya.
Hay, I so love her. Hindi ko rin alam kung bakit. Lukso ba ito ng dugo? MInsan sabi ng boss ko, "oy nakita ko billboard ni Angel, ganda noh?" nireplayan ko ng serious mode sabi ko, : 'Sir, may sasabhin po sana ako sa inyo, pero promise nyo wag nyo ipagkakalat'
Boss: (Mukhang naramdaman nya na super serious nga ng ipagtatapat ko, minsan lang kasi ako magseryoso, kaya sabi nya) Ganon ba, o sige ano ba yon?
Ganda: Sir, isa akong LOBO.
At yun ang history kung bakit ako natanggal sa trabaho. Chusa, knock on wood. Ay Lord, wag po..haha, buti nalang hindi ginawa yun ng boss ko edi sana hindi ko nacover si ate angel ko sa presscon nya. Pinaghandaan ko nga ang araw na yun. Sa dami ng artistang nacover ko, kay Ate Sarah pa lang ata ako nagpapicture at syempre, hindi ko idedeny na gustong gusto ko magpapicture kay Angel. Kaya lang, hay.... hay... isa syang Darna na ang daming taong nililigtas.. este, artista kaya busy sa maraming bagay at syempre, ayon..ay nako hindi na ko mageexplain, basta nag-inom ako after dahil wala ako picture kasama sya. Eto nga pala yung video nya, panoorin nyo ha.

