Ano bang tinatakbuhan mo?

Wednesday, May 27, 2009

Dahil gusto nang panindigan ang pagiging game show host sa blogspot sa dami ng options na binibigay ko sa mga post ko, syempre as usual ito ang choices:

ano na bang tinatakbuhan mo?
PANUTO/DIRECTION: (pitikin ang ilong ng 20 beses kung A; sumigaw ng So much for HAYDEN Scandals sa kalagitnaan ng misa hanggang sa pagalitan ka ng pari kung B; o lumunok ng isang buong langka with matching balat kung titik C)

__A) Asawa/girlfriend/BF kasi niloko mo either my kabit ka na ayaw mong pahuli or "kot in da ak" ka, nagkataong magaling sa martial arts ang number one mo.

__B) Bumbay/paybsiks/kaibigan na pinagkakautangan (magbayad ka oi, hirap buhay ngayon)

__C)Aso, boss mo, problemang di malutas lutas, (gaya ng pagkuha ng secret video tapos magsosorry sorry ka ngayon)


Ayoko naman talagang magmention ng kahit ano sana about video scandals kaso kahit san ako magpunta eh ewan ko ba, bakit tumitigil ang mundo ng ibang tao sa kanila na kung tutuusin, dapat nga ang nasisilip eh bakit ngayon lang ipinupush ang batas para maprotektahan ang mga kababaihan laban sa mga bidyo na ganyan compare sa batas na gusto nilang gawing filipino si freddie roach dahil laging nanalo si Manny Pacquiao.

Sabi nga ni Morrie Schwartz:
"You have to be strong enough to say that if the culture doesn't work, don't buy it". Ano bang unang reaction mo nung nagkaron ng erruption ang kat-kho video? Syempre gusto mo makita at maibluetooth, hindi ka kasi in. Sa media naman, pag wala kang news don, olats. Buti nalang nasa sports ako. Mahirap hindi bilihin ang mga gantong bagay.

Alam nyo bang sa kasagsagan nong mga chismis don, nag-aupload lang ako ng mga manlalaro sa pilipinas na hindi binigyang pansin ng karamihan.

Yung mga taong gumagawa ng matino sa buhay nila at sa bansa, yung mga taong tumatakbo bilang manlalaro hindi yung tumatakbo kasi may kaso o may kung anong perversion na ginawa o nangurakot o ewan.

Pero dahil pagod ako ngayon dahil hinabol pa kami ng baka para lang sa mga video na may sense, sana mapanood nyo naman sila.

ito yung The North Face 100K challenge (Ultramarathon)
suportahan natin ang mga manlalarong pinoy




ito si tatang, 72 yrs old na, tumatakbo pa rin.



PS: Gusto ko tumakbo sa Ultra arena tuwing hapon, 40 php lang, sino gusto sumama?exercise tayo.

Senxa na, wala ako sa hulog. pakiintindi nalang ang post ko

OO... ADIK ako!masama??

Tuesday, May 19, 2009

Hay, oo sya sya... dahil hindi naman ako artista na kailangan laging may magandang reputasyon sa mundong ibabaw, oo aamin na ko. . adik ako. Adik ako sa maraming bagay. Infairness naman, hindi naman sa mga illegal drugs, pero no offense sa mga tunay na gumagamit, kung yan ang ikaliligaya nyo basta hindi kayo nakakapanakit ng tao, edi go.

P.S. siguraduhing sa sariling kayod mo kukunin ang pambili kasi kung bisyo mo na lang tapos iaasa mo pa sa iba, wala nang 'no offense offense.. nak ng kemerut, tablan ka na.
ano na nga yung sasabihin ko? ayon, adik ako sa sine (pero lately lang naman) yung tipong kahit walang ka-date eh manonood ako mag-isa at sa isang buwan so far eh nakakalima ata ako. Di ko alam kung pwede kong gawing excuse na maraming magandang palabas ngayon kaya ako nanood.

At dahil proud to be pinoy, inererekumenda ko ang 'Dead na si Lolo'. maganda promise, kung namimiss mo na ang mga lecture ng angkan mo tungkol sa mga pamahiin, maganda syang guide. Maganda sya hindi lang dahil gusto kong suportahan ang mga local film makers pero dahil maganda talaga.
Back to pagiging adik, adik ako ng super duper duper sa Heroes, infact--una pa ko sa kung anong ineere ngayon sa TV.

at dahil jan, isa na namang dahilan para manood ako ng sine : Star Trek. bakit?? kasi andon si Sylar. Ang paborito kong kontrabida. Super iba ang tibok ng puso ko pag nakikita ko sya (wow, lukso ng dugo?) Infairness kay Sylar, na-label lang sya ng society kaya lumala ang pagiging kontrabida nya. Pero ayon, magnda din naman ang star trek lalo kung teki kang tao.


As I was saying, may pagka-adik din ako sa shoes, kahit hindi ko kailangan pero kapag nakyutan ako kailangan kong mabili o pagsisihan ko habang buhay. Ang problema, sa sobrang liit ng paa ko, kahit gaano ko ipilit, hindi kasya sa paa ko.

sabi ko sa sales officer kanina, "kuya wala ba talaga kayong size 5? magkakasakit ako pag di ko yan nabili." tumawa lang sya at nagturo ng ibang design, ang hindi nya alam eh nanginginig na ko sa sobrang gusto kong mabili ang shoes.

at napag-uusapan na rin lang ang pagiging adik, ITAAS ANG KAMAY ng ADIK KAY RACHEL ANNE DAQUIS, FEU's volleyball star player. sa sobrang dami ng thread na nababasa ko about her, ito ang regalo ko para sa inyong mga adik sa kanya.

Inlove with Pacman

Monday, May 11, 2009

Syempre gusto kong umpisahan ang blog ko sa picture ko. BAKIT? dahil spot ko naman to. JUSTIFIED na justified diba? Pero isang matinong sagot... bukod sa may karapatan ako eh involve naman talaga ako sa kwento ko.

Bilang isang career [midwoman/midgirl/boy] na media practitioner [evil laughs], sumama ako sa motorcade ni Manny kahapon.

TRIVIA: Si pacman lang ang nang gigising sa akin ng maaga.

Edi ayun na nga, from DENR sinundan namin ang motorcade. naloka lang kami kasi wala na palang babaaan hanggang Malacanan. Ayun, libre sunburn kami at SUNSHINE scent pag-uwi sa office.

Pero grabe! Ang saya at ang sarap ng feeling. Normal lang naman kasi na maoverwhelmed ka pag nakakita ka ng sikat. Pero mas gusto ko yung feeling na nakakita ako ng isang malupet na UNITY nang dahil sa isang sikat.

Kung nasa katulad na field kita, pwede mo kasi madistinguish ang genuine at sincere sa hindi. Nakakatuwa kasi nakita ko yung mga tao kung paano lumabas sa sasakyan mapamayaman o mahirap parang may prepared na confetti sa pagdaan nya. First time ko ata nakakita ng madre na nagcheer sa labas ng kumbento na nadaanan namin pati mga taga bangko at mercury drug.

kahit mga photogs na kasama namin sa truck sabi : ang saya noh, galing!

Bukod don eh ang kyut pa ng porma ni Manny. Bilib ako sa aura nya. Naisip ko nga, hindi ako pwedeng maging sikat dahil ayokong kumaway mula QC to MANILA. Nakakapagod yun.

Isa pang kinatuwa ko, kasi pride ang dinala nya sa bansa kaya walang humarang sa kanya o nag-assasinate pero kung sila [fill in the blanks] yan, baka sa QC palang binato na ng lahat ng pwedeng madampot.

Personally, [wow!close?] I wish the best for him. Sana nga wag sya tumakbo next year kung dahil lang sa impluwensya ng mga taong ewan.

Sabi nga ng mga taxi driver na nakausap ko habang papunta don,
"Kung gusto nya naman kasi tumulong, magagawa nya yun kahit wala sya sa politika, magpatayo ng ospital, skul..."

Pero sige, magsaya muna tayo sa ngayon for MANNY PACQUIAO. sana lagi kang may laban para walang nag-iinom at nanghoholdap sa kanto.


P.S.

Kung may facebook kayo, paki-add naman ang fan page ng INQUIRER SPORTS. tulungan nyo ko to spread the word. Pls support us to continue delivering sports news! MINSAN LANG AKO HUMINGI ng PABOR. PLEASE! thanks

And I lost my phone

Friday, May 8, 2009


Honestly, di naman talaga nawala ang phone ko. NINAKAW! Naloka ka ba? Ako nga rin eh.. For the longest time, I’d been using the same old number 09064102977—until today, MAY 8 2009, the day Manny Pacquiao returned and I was tasked to cover his Quiapo day… it’s finally gone.




(ganto ako malungkot sa picture)



Ngayon ko pa lang naaabsorb eh. Kasi while shooting pacman, nakapa ko na wala na sa bulsa ko. I knew right then na nanakaw na pero dahil isa ako sa pinakapropesyonal na tao (maliban nalang kung walang kape) hindi ko muna dinamdam.


Ngayon ko nararamdaman na wala akong matitigang wall paper, walang makalikot na keypad, walang boses ng pamangkin na nagsisilbing message alert ko dahil super scandalous yun at makatawag pansin kaya talagang babasahin ko agad yung message at higit sa lahat walang alarm clock.


Sa trabaho ko, napakahirap ng papalit palit ng number kasi ‘pagmemaintain ng contacts ang labanan’..hay, buti sana kung yung mga lasenggo lang sa kanto ang nasa phone book ko, eh kaso hindi. Wala pati ako number nila. Pero promise puro mga bigatin ang mga nasa phonebook ko, at bago ko nakuha ang mga number ng mga kilalang tao na yon eh kutakot takot na pagconvince ang ginawa ko sa sarili ko


“…ahhhemm, aamm…sir/madam..ahheemm…”


Hay! Isa pa nga….. HAY!


Napakasentimental ko kasi na tao, untimong ticket ng UAAP ng kapanahunan ni arwind santos eh tinatago ko. Sabi nga sa description sa akin, I’m the type of person who hardly let go of things. Halos 5 years ko atang gamit yung simcard na yun.


Anyway, hindi naman maganda yung unit na nanakaw. Kaso nga buti kung ibabalik yung sim. Alam nyo bang bukod sa student number ko nung college eh yun lang ang memorize ko na number?? Ganon kalala ang memory gap ko.


Ngayon kelangan ko na naman magmemorize ng panibagong number. Sana next time sa sosyal magsimba si Manny para konti lang ang mga MATIK.

Pero God is good pa rin, at least di na ako natutukan ng baril o kutsilyo at cellphone na bulok pa yung nakuha.


HAY! Si Angel Locsin lang ang magpapasaya sa akin

PACMAN, you know!!!

Saturday, May 2, 2009




Marjorie Gorospe
INQUIRER.net

How does it feel watching the Manny Pacquiao-Ricky Hatton match as it happened? Well, awesome!

I was not in Las Vegas during the fight but we watched a live feed at the Mag.net Cafe courtesy of Nike Philippines at Bonifacio High street. Seeing fellow Filipinos cheer with every punch Manny Pacquiao landed on the Briton, and people booing when Hatton was entering the ring, I could almost feel the intensity we witnessed via the live feed.

Too bad the fight was too short.

We managed to interview a British fan during the fight. He says, “If Manny gets close to Hatton, he’ll be dead.” But after receiving 73 punches from Pacquiao and eventually getting knocked out in the last 10 seconds of the second round, we again saw the British fan who happens to live in Manchester–same place as Hatton. He was all smiles now, as he jokingly declares, “He’s the best! Manny for president.”

For a few hours, the world seemed to have stopped, as we witnessed two of the world’s best fighters battle it out. We almost forgot that just a few days ago, we’ve been hit hard by news of the swine flu now called A (H1N1), pandemic which threatens the world.

Pacquiao has once again proven that he deserved the title of best pound per pound fighter and probably the best fighter of all time.


http://newsinfo.inquirer.net/topstories/topstories/view/20090503-202796/Pacquiao-TKOs-Hatton

 
Design by: Searchopedia convertido para o Blogger por TNB