POEM of LOVE

Sunday, June 28, 2009

Poem of Love
Marjorie Gorospe

I wish I can hold you forever...
and given the chance, I will never let you go.

You came into my life unexpectedly,
and that unexpected moment, I wish for eternity.

No one else can make me feel calm the way you do,
nobody can ever make me feel so weak but you.

You are capable of making me cry, but there is no one but you...
who can pacify my exhausted heart.

Your smile results my laughter.
Your tears break me into pieces...
But your love brings the meaning in my life.

Nothing is easy, yet nothing is so impossible.
Nothing is perfect just like what we have...
but I'd rather an imperfect one, than spend the rest of my life without you.


(Wag nyo kong chikahin, basta inlove ako... be happy! happy balentayms..aww! bigla ko lang nasulat ngayon pag-upo,partida wala pa si maylabs nyan.excited lang ako sa reunion naming dalwa)

hay buhay one more time!

Wednesday, June 24, 2009

O edi ayon na nga..... hay,

isang buwan pa lang ata ang nakakalipas, nanakawan ulit ako ng phone. masyado na yata ako nagiging mabait. Lord, grabe naman... aasa ako na super ganda ng palasyo ko someday ha. (echoz lang po)

Nakakaloka naman kasi... ayon, sa isang iglap wala na ulit ang telepono ko. Nagiging candidate na nga ako ng queen of charity and ambassador for goodwill para sa mga makakati ang kamay at autiomatic na nangunguha ng mga bagay bagay.. in short MATIK.

Ang nakakaloka pa nyan, kakagaling ko lang sa doctor nitong Sunday at kabilin bilinan na bawal akong madepress. (wag kayong magalala, hindi psychiatrist ang pinuntahan ko na doctor, basta lately grabe kasi ipekto ng stress sa kalusugan ko.) So ayon, nung narealize ko na wala na ang phone ko sa bag ko, patay malisya na lang ako at nagpray:

"Lord, tulungan nyo po akong maintindihan kung bakit kailangang pipitchuging phone ang nakawin nila at pinagdarasal ko po na sana never ako dumating sa ganoong point ng buhay ko kasi ayoko pong isumpa ako at pagtawanan dahil mababang klase ang nanakaw ko..tapos sasabihan ako ng..YOU'RE SO PATHETIC."

Pero syempre, nadepress pa rin ako ng konti in the end. alam mo yung feeling ng alam mong hindi ka tanga pero naiisahan ka.. hay...sabi nga sa bad boys...
Huuuusaaaaahh....breathe....huuuuusaaaaahh....

Pero dahil iba ako madepress, pinagaan ng boypren ni ate ang mundo ko by treating us sa Transformers 2. Too bad, lalo sumakit ulo ko dahil ang haba. Ang nakakalungkot, eh nababawan ako. umikot ang kwento sa isang matrix at ang daming effect pero ang dami ring nasayng na emosyon. Well, opinion ko lang yon, baka dulot lang ito ng aking kalungkutan pero hindi rin eh.

Pagdating naman kasi sa film, alam kong credible ako.mass comm ata toh.Pero pustahan blockbuster ng taon yan. hikhik! (AYAN, tumatawa na ko)hay, let go..let go.

where is the love

Thursday, June 18, 2009

I lost it... the spark, the interest, the joy, the feeling of being fulfilled.
Im not happy anymore, yet I can't find salvation.
I wish to feel it once again, give it a chance and love it one more time..
I can't end end up holding nothing.
I need to see the brighter side--open my eyes wide, see the light.

This is not about love.

CON-ASS GO GO GO!!!

Wednesday, June 10, 2009


Bago nyo ko batuhin ng kamatis dahil sa title ng out of this world na blog ko.. gusto ko lang malaman nyo na kung merong nagmamahal sa bansa natin nasisiguro kong isa ako don. Yung mga sincere ang sinasabi ko ha, hindi yung mga taong sasali sa kung ano anong conflict kemerut tapos may pinaplano palang imperyo sa mga dadarating na araw.

Hindi ako PRO at alam kong andaming tuta na pulitiko ang nakikisakay sa con-ass pero one thing is for sure, hindi ako sasama sa isang "advocacy" na hindi ko alam kung anong magagawa para sa bayan. Nakakadismaya lang kasi kahit fetus palang ako noong nag EDSA revolution 1, I'll always be proud na genuine ang interest ng mga taong sumali doon.

Pero ngayon, hindi mo na malaman kung ilan ang binayaran at ilan ang namimigay ng mga kalendaryo para sa darating na eleksyon. Try mong tanungin mga tao dun, di naman nila kayang iexplain kung ano ang con-ass. May mga nanay pa na nakukuhang isama ang anak nilang napakaliliit pa, pano kung nagkagulo don??iiyak sila tapos sasabihin abusive ang mga nasa authority? ganon lang naman yon eh.. ganon nga ba?? o namemorize ko na sa dami ng rally na nacover ko.

Sa totoo lang, para sa isang tagapicture na kagaya ko, nakakawalang gana magpicture picture kung wala kang makitang sincerity sa mga andon. May mga nakita nga akong nagpapalitan lang ng number at e-mail add na kabataan. Taray! tapos yung iba naman, tatawagin kami para lang ngumiti at kumaway. Nakakaloka! kaya siguro parang pagod ako kahit sa baba lang ng building yung rally.

Sana kasi wag na nating gamitin ang mga mas maliliit na tao sa sariling kapakanan at sana rin mauso ulit yung may paninindigan na mga tao. Wag kasi tayong demand lang ng demand lang, sana may ginagawa rin tayo sa buhay natin. Sa hirap ng buhay ngayon, mas mahalaga na lahat tayo may ginagawa para makaahon sa krisis.

Pero bago ko tapusin ang isang minadaling blog na to,
gusto ko lang malaman nyo na kung merong inspiring na tao sa mga rally, para sakin si Juana change ay isa don. Bakit?Kasi hindi naman sya politiko at hindi biro ang magcostume. Pero seriously, ginagamit nya ang art para buhayin ang nationalism ng mga pilipino, hanapin nyo ang video nya ng lupang hinirang sa youtube.

An interview with the BLACK WIDOW

Friday, June 5, 2009

Naging abala ako this week sa pagcocover ng Women's World Tournament. Naloloka lang ako kasi lahat ng sport na i-cover ko, gusto kong laruin. Pero masaya ako kasi nameet ko ang mga best players ng pool na mga babae lalo na si Jeanette Lee "The Black Widow".



Napaka accomodating nya at smart sumagot bukod sa smart talaga sya sa paglalaro. Nainterview ko din ang hot na hot na si Shanelle Loraine, Fil-am model turned pool player.



Ang pinakagusto kong sinabi ni Black widow eh
"Pool is something I selfishly love but family is still the core of my life," at "When you have something you love, you want to share it with someone you love" o diba?

bilyar na tayo. hehe..mahirap kasi magtatakbo ngayon dahil tag-ulan. by the way, sa mga sporty jan, nagbabadminton ako every wednesday tapos gusto ko gumaling sa bilyar..
tara lets get sporty!

lastly, ingat sana kayo lagi.
nakakatakot na maglalabas ngayon dahil sa influenza. Pray lang tayo. :)

 
Design by: Searchopedia convertido para o Blogger por TNB